Home NATIONWIDE Koreanong drug lord, ipinatapon na sa SoKor

Koreanong drug lord, ipinatapon na sa SoKor

140
0

SEOUL — Ipinatapon na sa South Korea ang isang umano’y drug lord na pinaghihinalaang nagpapatakbo ng sindikato ng ilegal na droga mula sa loob ng kulungan sa Pilipinas, matapos itong ma-extradite pansamantala.

Kinilala ang suspek na si Park Wang-yeol, na nagsisilbi ng 60 taong sentensya sa Pilipinas dahil sa triple homicide. Inilipad siya pabalik sa South Korea matapos ang kahilingan ni President Lee Jae Myung kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang kamakailang summit.

Sa ilalim ng kasunduan ng dalawang bansa, pansamantalang itinigil ang kanyang sentensya sa Pilipinas upang sumailalim sa imbestigasyon at paglilitis sa South Korea.

Ayon sa mga awtoridad, pinamunuan umano ni Park ang isang drug syndicate na nagpapasok ng malaking dami ng ilegal na droga habang nakakulong, katuwang ang mga kasabwat sa pamamahagi nito.

Nagpasalamat si President Lee kay Marcos sa extradition at tiniyak ang pananagutan.

“will chase anyone harming the country to the end of the earth.”

Sinabi ng mga opisyal na layunin ng hakbang na matiyak na malilitis si Park at maiwasan ang pag-usbong ng katulad na krimen mula sa mga nakakulong.

Lumabas din sa imbestigasyon na dalawang beses nang nakatakas si Park mula sa kulungan sa Pilipinas, umano’y dahil sa kakulangan sa pagbabantay at paggamit ng smuggled mobile phones ng ilang bilanggo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here