Home NATIONWIDE Pinas, hihirit ng langis sa US-sanctioned countries

Pinas, hihirit ng langis sa US-sanctioned countries

174
0

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Estados Unidos upang makakuha ng waivers na magpapahintulot na makabili ng langis mula sa mga bansang sakop ng US sanctions, bilang tugon sa kakulangan sa suplay dulot ng krisis sa Middle East.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, patuloy ang pakikipag-usap sa Washington habang pinag-aaralan ang lahat ng opsyon, kabilang ang pagkuha ng langis mula sa Venezuela at Iran.

“We are working with the State Department to get waivers or exemptions to purchase oil from US-sanctioned countries,” ani Romualdez.

“All options are being considered,” dagdag niya.

Isinusulong ang hakbang matapos ideklara ng Pilipinas ang state of national energy emergency upang tugunan ang banta sa suplay at patatagin ang sektor ng enerhiya.

Ayon sa pamahalaan, may natitirang humigit-kumulang 45 araw na suplay ng langis ang bansa noong Marso 20, at kasalukuyang bumibili ng karagdagang 1 milyong bariles upang palakasin ang buffer stock.

Sa ilalim ng deklarasyon, pinahihintulutan ang pamahalaan na direktang bumili ng petroleum products upang matiyak ang sapat at napapanahong suplay.

Pansamantala ring pinalawak ang paggamit ng coal-fired power plants upang matugunan ang kakulangan sa enerhiya.

Nauna nang nakatakdang tumanggap ang bansa ng unang Russian crude oil shipment sa loob ng limang taon matapos makakuha ng 30-day waiver mula sa Estados Unidos, na nagbigay rin ng kaparehong pahintulot para sa Iranian oil na nasa biyahe na. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here