Home NATIONWIDE Sen. Go nanawagan ng dagdag na tulong sa pamilyang may PWD

Sen. Go nanawagan ng dagdag na tulong sa pamilyang may PWD

1
0

MANILA, Philippines – Binigyan ng wheelchair ng Malasakit Team ni Sen. Christopher “Bong” Go ang isang 11-anyos na batang may cerebral palsy sa Barangay 157, Pasay City.

Ipinagkaloob ang tulong noong Nobyembre 11, kasabay ng pagbisita ng grupo sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa lugar.

Ayon sa tanggapan ni Go, nagpapagamot ang bata sa Pasay City General Hospital at nakatatanggap ang pamilya nito ng tulong medikal sa pamamagitan ng Malasakit Center ng ospital.

Gayunman, sinabi ng guardian ng bata na si Cherylyn Tagudan na nahihirapan pa rin silang tustusan ang pamasahe tuwing may medical appointment at pagbili ng mga iniresetang gamot na hindi available sa ospital.

Dahil dito, ipinagkaloob ang wheelchair upang makatulong sa pangangailangan ng bata sa paggalaw at mabawasan ang hirap ng pamilya sa pag-aalaga rito.

Binigyang-diin ni Go na hindi dapat limitado sa gastusin sa ospital ang suportang ibinibigay sa mga pasyente dahil may iba pang pangangailangang pinansyal ang kanilang pamilya.

“Malaking bagay para sa isang pamilyang may anak na may kapansanan ang bawat tulong na kanilang natatanggap. Kahit sagot na ang gastusin sa ospital, may pamasahe pa, gamot, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan,” ani Go.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act, na nagtatag ng one-stop shops sa mga kuwalipikadong pampublikong ospital upang mapadali ang pagkuha ng tulong medikal at pinansyal ng mga indigent at financially incapacitated patients.

Patuloy naman niyang isinusulong ang mga panukalang batas para sa kapakanan ng persons with disabilities (PWDs), kabilang ang mas madaling pag-access sa mga serbisyong pampubliko at pagboto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here