KINUWESTIYON ng National Basketball Players Association (NBPA ang 65-game rule ng NBA matapos malagay sa alanganin ang award eligibility ni Cade Cunningham ng Detroit Pistons.
Sa kasalukuyan, nakapagtala lamang ng 61 games si Cunningham at posibleng hindi umabot sa 65 dahil sa kanyang injury na collapsed lung.
Ayon sa NBPA, hindi makatarungan na maalis sa parangal ang isang manlalaro dahil lamang sa “arbitrary” na bilang ng laro, lalo na kung may lehitimong dahilan tulad ng injury.
Iginiit din ng kampo ni Cunningham na karapat-dapat siya sa All-NBA recognition matapos ang kanyang pinakamahusay na season sa karera.
Hindi lamang si Cunningham ang apektado ng naturang patakaran, kundi pati ang ilang malalaking pangalan tulad nina LeBron James, Stephen Curry, at Nikola Jokic.
Dahil dito, nanawagan ang NBPA sa liga na amyendahan o tuluyang baguhin ang 65-game rule upang maging mas patas at isaalang-alang ang kalagayan ng mga manlalaro.GP