Home TOP STORIES TVET Forum 2026

TVET Forum 2026

153
0

NAVOTAS CITY — Nakiisa si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga partner mula sa iba’t ibang lungsod ng CAMANAVA sa isinagawang TVET Forum 2026 na layuning tiyakin na handa sa trabaho ang mga trainees at may konkretong oportunidad matapos ang kanilang pagsasanay.

Binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng pagpapatibay ng mga programang pangkasanayan sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor.

Aniya, sa tuloy-tuloy na pagtutulungan, mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng pagkakataon sa trabaho at mas maayos na kinabukasan. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here