Home NATIONWIDE ‘Plane grounding’ posible bunsod ng jet fuel shortage – PBBM

‘Plane grounding’ posible bunsod ng jet fuel shortage – PBBM

155
0

MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na magkaroon ng ‘grounding flights’ bunsod ng kakulangan sa jet fuel sa gitna ng nagpapatuloy na epekto ng labanan sa Gitnang Silangan.

Bagaman umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi ito mangyayari, malaki naman ang posibilidad na mangyari ito.

“We are hoping not, but that’s a possibility. It’s a distinct possibility,” ang sinabi ng Pangulo sa panayam sa kanya ng Bloomberg nang tanungin kung ang mga eroplano ay kailangang ma-ground dahil sa kasalukuyang situwasyon.

Binigyang diin ng Chief Executive na kapag lumala ang kakapusan, ang paglipad ng mga eroplano palabas ng Pilipinas ay hindi mapapagasolinahan sa ibang bansa dahil dito magreresulta ito ng pagdadala ng gasolina papunta at pabalik.

“With this scarcity, shall we say, limitations now on crude supply, the refining of jet fuel takes a longer time. And so we will have to depend on what is already readily available,” aniya pa rin.

“And when our airlines fly out, several countries have said, ‘We cannot fuel your aircraft, so you will have to carry the fuel there and back.’ And that’s around here. The long haul is going to be a much more serious problem,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Pangulo na ginagalugad ng Pilipinas ang posibilidad ng pagse-secure ng fuel supply mula Russia, itinuturing na non-traditional trading partner ng Pilipinas.

Winika pa niya na ito rin ang kahalintulad na panayam nang tanungin siya kung ang Pilipinas ay makakukuha ng commitment mula Tsina o Russia para sa karagdagang fuel supply.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang gobyerno ay “still working on that”, sabay sabing ang Tsina ay palaging trading partner ng Pilipinas at sinusubukan ng gobyerno na itaas ang fuel supply.

“Russia is not a traditional supplier of crude oil to the Philippines or any energy supply, but we are exploring that as well,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Basically, we are trying anything— everything— to secure supply because that’s the one thing that we can do about. The pricing is going to be a much more difficult challenge because everyone is a price taker when it comes to oil,” aniya pa rin.

Samantala, nakumbinsi naman ang Pilipinas na kausapin ang Tsina at Russia pagdating sa energy requirement dahil ang kasalukuyang kontrata ay kinikilala, binigyang diin na nakuha ng bansa ang commitment mula sa partners nito sa buong mundo.

At nang tanungin ukol sa partners ng bansa, sinabi ni Pangulong Marcos na ang fertilizer ay magmumula sa Indonesia at Tsina; refined fuel mula sa Japan at South Korea; at langis mula Malaysia.

Pagdating naman sa current fuel supply ng Pilipinas, sinabi ng Pangulo na “I think we’re doing better than a month in terms of fuel supply — maybe 45 days more or less, depends on diesel or gasoline.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here