MANILA, Philippines – Nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng mga kilos-protesta kaugnay ng ika-81 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Marso 28.
Ayon kay Jose Melencio Nartatez Jr., “I have directed our chiefs of police to assess and prepare the deployment of police officers in key areas where rallies could take place. I also tasked them to ready resources and assets for mobilization.”
Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga organizer ng rally upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapanatili ang kaayusan.
Tiniyak din ng PNP na igagalang nila ang karapatan ng mga tagasuporta ni Duterte na magsagawa ng mga aktibidad, at magpapakalat lamang ng pulis para sa seguridad.
Sa kasalukuyan, si Duterte ay nakakulong sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity sa kanyang war on drugs. RNT/MND