MANILA, Philippines – NAKASUBAYBAY, naghihintay, umaasa, at dumadalangin ang Pilipinas na matapos na ang giyera sa Gulf region.
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kapayapaan ang pangunahing layunin ng bansa habang patuloy na mino-monitor ang epekto ng sigalot sa ekonomiya at suplay ng langis.
“Our foreign policy is very, very simple. It’s peace and the national interest. That’s it,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naging panayam sa kanya ng Bloomberg sa Palasyo ng Malacañang, sabay sabing “war is never in the national interest” ng Pilipinas.
“We just are hoping that this end soon and that whatever recalibration will be done as quickly as possible so we can get back to work. And that’s really where the Philippines is,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, ayon sa impormasyon mula sa Japan’s Ministry of Foreign Affairs, nagkaroon ng 20-minute phone call si Japanese Prime Minister Takaichi Sanae kay Pangulong Marcos, kung saan ipinaliwanag ng una ang “importance of coordinating and cooperating with the international community to ensure the early de-escalation of the situation.”
“The two leaders concurred on closely working together toward the early de-escalation of the situation,” ang sinabi ng ministry, sabay sabing ang pag-uusap ay nakaangkla sa “the urgent priority of securing safe navigation in the Strait of Hormuz.”
Sinabi pa ng Japan na ipinaliwanag ni Pangulong Marcos ang posisyon at pagsisikap ng Pilipinas, subalit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye kung ano pa ang sinabi ng Pangulo. Kris Jose