Home NATIONWIDE Hepe ng HPG nagbitiw sa pwesto sa sexual harassment case

Hepe ng HPG nagbitiw sa pwesto sa sexual harassment case

134
0

MANILA, Philippines – Nagbitiw sa puwesto nitong Miyerkules si Philippine National Police-Highway Patrol Group chief Brig. Gen. Jessie Tamayao matapos sampahan ng sexual harassment complaint ng isang babaeng pulis sa National Police Commission.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tamayao na bumaba siya sa puwesto upang matiyak ang “a completely impartial, fair, and transparent conduct of the investigation” kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanya, na mariin niyang itinanggi.

“In my 30 years of service, I have never been involved in, nor subjected to, any such allegation or complaint. I have risen through the ranks through my own diligence, hard work, and integrity. By stepping down, I aim to remove any perception of influence or conflict of interest while the proper authorities perform their duties,” aniya.

Hindi pinangalanan ng Napolcom ang nagreklamong pulis, na humihiling ng dismissal from the service laban kay Tamayao dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012.

Batay sa reklamo, umano’y niyaya ni Tamayao ang babaeng pulis na makipagtalik at hinawakan pa umano ang puwit nito. Inilahad din ng complainant na sinabayan umano ito ng pananakot at banta, kabilang ang posibilidad na ma-reassign siya sa Mindanao kapag hindi niya pinagbigyan ang mga umano’y advance ng opisyal.

Iginiit din ng nagreklamo na in-access umano ni Tamayao ang kanyang cellphone nang walang pahintulot, binasa ang kanyang mga mensahe, at kinuhanan ng larawan ang mga imahe at usapan sa kanyang gallery, Messenger, at Viber accounts. Ayon pa sa complainant, nagbanta rin umano si Tamayao na gagamitin ang mga impormasyong ito laban sa kanya sakaling ireport niya ang insidente kay dating HPG Director Brig. Gen. Hansel Marantan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here