Home METRO Easterlies magdadala ng ulan, thunderstorm sa Mindanao; baha, landslide ibinabala

Easterlies magdadala ng ulan, thunderstorm sa Mindanao; baha, landslide ibinabala

142
0

MANILA, Philippines – Pinapayuhan ang mga residente sa ilang bahagi ng Mindanao na maging alerto dahil sa kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms na maaaring magdulot ng flash flood at landslide, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Marso 26.

Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin de la Cruz-Galicia, dulot ito ng mainit na hanging mula sa Pacific Ocean na tinatawag na “easterlies.”

Ang mga hanging ito ay nagdadala ng mainit at mamasa-masang hangin na nagiging sanhi ng pagbuo ng ulap at lokal na pag-ulan sa hilagang-silangan at timog bahagi ng Mindanao.

Sa susunod na 24 oras, inaasahan ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan, at thunderstorms sa Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, Soccsksargen, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur.

Nagbabala si De la Cruz-Galicia na ang katamtaman hanggang malakas na ulan ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mabababang lugar at landslide-prone areas.

Sa ibang bahagi ng bansa, inaasahan ang karaniwang maaliwalas na panahon, ngunit maaaring magkaroon ng panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa hapon o gabi.

Ang mga pag-ulan ay inaasahang panandalian lamang, at mananatili ang mainit at maalinsangang panahon.

Karaniwang nararanasan ang easterlies habang papalipat mula tag-init patungo sa tag-ulan, na hudyat ng pagsisimula ng southwest monsoon o “habagat,” na kadalasang dumarating sa huling bahagi ng Mayo o unang bahagi ng Hunyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here