Home HOME BANNER STORY Ombudsman: Mga kaso sa flood control scandal, mas paiigtingin pa

Ombudsman: Mga kaso sa flood control scandal, mas paiigtingin pa

131
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na aasahan ang mas maraming pagsasampa ng kaso kaugnay ng flood control scandal sa mga darating na araw.

“Ngayong tag-init, iinit sinasabi ko sa inyo,” pahayag ni Remulla hinggil sa posibleng mga kaso sa flood control.

Samantala, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nagpalabas na ng asset preservation orders laban sa mga indibidwal na sangkot sa mga anomalya sa flood control, kaya hindi nila magagalaw ang kanilang mga bank account.

Ipinaliwanag din niya na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) freeze orders ay awtomatikong nag-e-expire pagkatapos ng anim na buwan, ngunit nananatiling naka-freeze ang mga asset na may kaugnayan sa kontrobersiya sa ilalim ng asset preservation orders. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here