Home NATIONWIDE P1.8B pondo mula Australia, tulong sa negosyo, trabaho sa PH

P1.8B pondo mula Australia, tulong sa negosyo, trabaho sa PH

128
0

MANILA, Philippines – Nakakuha ang administrasyong Marcos ng grant na humigit-kumulang P1.8 bilyon mula sa Australia upang pondohan ang mga programang magpapabuti sa ease of doing business sa Pilipinas at susuporta sa maliliit at katamtamang negosyo (SMEs).

Sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF), ang A$45-milyong grant ay ipatutupad sa ilalim ng programang “Promoting Growth, Resilience, Economic Stability and Sustainability in the Philippines” o Progress, isang flagship initiative ng Australia.

Ayon sa DOF, layunin ng “Progress” na tulungan ang bansa na malampasan ang mga hadlang sa paglago ng ekonomiya, kabilang ang mabagal na paglikha ng pormal na trabaho, hindi pantay na kita, at mga sistemikong problema na nakaaapekto sa kababaihan, persons with disabilities, at iba pang marginalized sectors. Saklaw din nito ang pandaigdigang at regional uncertainties at pagiging bulnerable sa climate-related shocks.

Susuportahan din ng grant ang mga pamumuhunan sa malinis na enerhiya, climate change mitigation, at iba pang sektor na makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

Ayon sa DOF, isang implementing managing contractor (IMC) ang magsasagawa ng programa, sa ilalim ng joint supervision ng DOF at Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia.

Kabilang sa iba pang ahensyang katuwang ang Anti-Red Tape Authority, Department of Energy, Department of Trade and Industry, at Department of Economy, Planning and Development.

Kasama sa tulong ang technical assistance para palakasin ang kapasidad, climate finance para makahikayat ng pondo para sa SME investments, at Strategic Activities Fund para sa research at innovation.

Ayon sa DOF, mahalaga ang grant na ito dahil sa kasalukuyang economic conditions, kabilang ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa 2.96 milyon noong Enero, na katumbas ng 5.8% unemployment rate—pinakamataas mula Hunyo 2022.

Ayon sa mga state statisticians, posibleng tumaas pa ito dahil sa epekto ng lumalalang tensyon sa Middle East na inaasahang makaaapekto sa kabuuang ekonomiya ng Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here