MANILA, Philippines – Sinasamantala ng mga abusadong oil trader ang paldo-paldong kita mula sa lumulobong presyo ng produktong petrolyo sa bansa, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Sa pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (Protect) committee ng Senado nitong Huwebes, Marso 26, sinabi ni Gatchalian na napakabilis ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa batay sa Mean of Platts Singapore (Mops).








