Home ENTERTAINMENT Daniel Fernando, may sikretong ibinunyag!

Daniel Fernando, may sikretong ibinunyag!

155
0

Manila, Philippines — Napansin ni yours truly na guwapo at maganda pa rin ang pangangatawan ng aktor na si Daniel Fernando nang makapanayam siya ng entertainment press, na ginanap sa Malolos City, Bulacan.

Sa panayam ay natanong si Bulacan Governor Daniel kung ano ang sikreto niya para ma-maintain ang kanyang healthy lifestyle.

Unang-una sa listahan ni Gov. Daniel ay ang pag-iwas sa mga bisyo para mapanatiling malusog ang kanyang pangangatawan at magampanan niya ang kanyang gawain bilang mahusay na gobernador.

Saad pa ni Gov. Daniel, “Hindi ako kumakain ng karne. Patikim-tikim lang. Gulay lang. More on fish.

“Biking. Basketball pa rin. Walking. Swimming.”

Sa panayam ay tinanong rin si Gov. Daniel kung paano niya pinapanatili ang kanyang lakas at positibong pananaw sa gitna ng ingay ng politika at ng mga pagsubok.

Saad ni Gov. Daniel, “Siyempre, dalangin sa Diyos. Siya ang sandigan at sandalan. Panalangin ang nagpapatibay sa atin. At siyempre, ‘yung hindi pumapasok sa bisyo.”

Sa panayam ay nagpaalala si Gov. Daniel na manatiling magkaisa ang mga Pilipino at ipanalangin ang mga Pinoy na naapektuhan sa Middle East.

Saad ni Gov. Daniel, “Ngayon, ang mahalaga ay magkaisa. Harapin ang mga problema. Tulungan ang mga Pinoy na naapektuhan ng giyera sa Middle East. Mahirap ang buhay natin ngayon.”

Korek ka r’yan, Gov. Daniel. Mas mabuting magkaisa ang Pinoy at magdasal para sa mga kababayan nating nasa Middle East.

Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here