Home ENTERTAINMENT Sharon, bibida raw sa collab ng GMA at ABS-CBN!

Sharon, bibida raw sa collab ng GMA at ABS-CBN!

141
0

Manila, Philippines – Balitang malapit nang masundan ang muling kolaborasyon ng GMA at ABS-CBN.

Isang drama series ang matunog na partnership ng dalawang higanteng network.

Ayon pa sa lumulutang na balita, ang headliner ng naturang TV project na ito’y walang iba kundi si Sharon Cuneta.

Reportedly, the Megastar will be joined by an A-lister Kapuso actress whose shows are consistent top raters.

Kung matatandaan, unang nagsanib-puwersa ang dalawang istasyon via Unbreak My Heart–na tampok sina Jodi Sta. Maria, Richard Tan, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.

What everybody thought was a collaborative project far from happening ay nagkaroon ng katuparan.

Nasundan ito ng dalawang seasons ng Pinoy Big Brother nang umere ito sa GMA.

Bago rito, nakahanap ng tahanan ang It’s Showtime sa GMA after Tape, Inc. noontime program left the Kapuso network.

Bagama’t wala pang kumpitmasyon mula sa pamunuan ng GMA, Sharon’s doing a drama series is welcome news.

Kung babalikan, the Megastar’s last show aired on the network ay ang GMA Supershow pa ni German Moreno several years ago.

Nang tanungin daw si GMA senior vice president Atty. Anette Gozon-Valdes tungkol sa muling pakikipag-collab sa ABS-CBN, sumagot ito ng:

“Let’s see…secret!”

Alam na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here