Home ENTERTAINMENT Carlo at Chloe, pinag-uusapan na ang kasal!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carlo at Chloe, pinag-uusapan na ang kasal!March 28, 2026 12:461100 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Big time blessing.Ganito ang tingin ni two-time Olympic gold medalist Carlo Yulo sa nobyang si Chloe San Jose.On Instagram, mababasa ang emotional birthday message ng atleta para kay Chloe with matching sweet pictures.Sey ni Carlos: “Ang dami kong gustong sabihin pero puro pasasalamat at paghanga sa ‘yo‘yung mga lumalabas sa puso ko.“‘Di ko alam kung gaano ako ka-proud sa ‘yo sa lahat ng mga ginagawa mo.“Mapa-school o work, bukod pa doon ‘yung suporta at effort na binibigay mo sa akin. Grabe, ikaw ‘yung may birthday pero ako ‘yungniregaluhan ng big time ni Lord. Hehehe.“Ang wish ko para sa iyo, pinakamamahal ko, ay maabot mo lahat ang mga pangarap at mga ninanais mo sa buhay.“I love you po sobra!”To date, more than five years nang magkasintahan sina Carlos at Chloe.At this point, napag-uusapan na daw nila ang tungkol sa kasal.Eh, ‘di go! Ronnie Carrasco III