Home HOME BANNER STORY San Ildefonso, Bulacan posibleng umabot sa 41°C heat index — PAGASA

San Ildefonso, Bulacan posibleng umabot sa 41°C heat index — PAGASA

160
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makakaranas ng pinakamataas na heat index sa bansa ang San Ildefonso, Bulacan sa Sabado, na posibleng umabot sa 41°C, ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na heat index bulletin, sinabi ng PAGASA na kabilang ang San Ildefonso sa “extreme caution” level kung saan ang heat index ay nasa 33°C hanggang 41°C. Sa ganitong antas, posible ang heat cramps at heat exhaustion, at maaaring mauwi sa heat stroke ang matagal na pagkabilad sa araw.

Aabot naman sa 66 pang lugar sa bansa ang nasa ilalim ng extreme caution level.

Kabilang sa mga may 40°C heat index ang Tuguegarao City, San Jose (Occidental Mindoro), Iloilo City, La Carlota sa Negros Occidental, at Dipolog City.

May 39°C naman sa ilang lugar tulad ng Butuan City, Zamboanga City, Puerto Princesa City, at Dagupan City.

Nasa 38°C ang ilang lugar tulad ng Bacnotan sa La Union, Aparri sa Cagayan, Clark Airport sa Pampanga, at Davao City.

May 37°C sa Hinatuan, Surigao City, Tacloban City, NAIA sa Pasay, at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nasa 36°C naman ang ilang lugar sa Metro Manila gaya ng Science Garden sa Quezon City, habang 35°C hanggang 33°C ang iba pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, patuloy ang mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng Pilipinas dahil sa easterlies at papasok na dry season, kaya pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa sobrang init. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here