Home NATIONWIDE Pahayag na mayayaman lang makikinabang sa fuel tax suspension, kinontra ng ekonomista

Pahayag na mayayaman lang makikinabang sa fuel tax suspension, kinontra ng ekonomista

128
0

MANILA, Philippines – Kinontra ng isang ekonomista nitong Sabado, Marso 28 ang pahayag na ang mga mayayaman lamang ang makikinabang sa suspensyon ng fuel excise tax.

“Malaking bagay na tanggalin ‘yung 5 piso, 6 na piso, 10 piso na excise tax. ‘Yung sinasabi nila na ang makikinabang diyan ay ang mayayaman, hindi ako naniniwala dun,” sinabi ni Emmanuel Leyco, presidente at chief economist ng Credit Rating and Investor Services Philippines, sa panayam ng DZBB.

Noong Miyerkules ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12316, na nagbibigay ng emergency powers para suspendihin o bawasan ang fuel excise tax dahil sa tumataas na presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East.

“Mas malaki ang binili ng mayayaman na petrolyo kaysa sa mahihirap, natural kasi sila ang mas marami ang pera; mas marami silang sasakyan,” ani Leyco.

“Pero kapag tinignan natin ‘yung binibiling petrolyo ng mahihirap, ito ang inilalagay sa mga jeep, ito ang inilalagay sa mga tricycle… sa mga sasakyan na ipinangpapasada,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here