Ganito ang naging scenario sa post-birthday shindig ni Dra. Vicky Belo.
Namudmod lang naman ang sikat na cosmetic surgeon ng naturang mamahaling bags sa kanyang mga well-wishers.
llan sa mga masuwerteng recipients ng pricey bags ay sina Andrea Brilllantes, Belle Mariano, Julia Barretto, Ivana Alawi at iba pang celebrity attendees.
Nagkataong almost all of Belo’s guests are endorsers of her clinic.
Actually, January 25 pa ang kaarawan ng asawa ni Hayden Kho.
Dahil hindi nga niya naisingit ito sa mismong 70th birthday niya kung kaya she opted to hold it almost two months later–at mas pinabongga pa!
Ang kakaiba–sa halip na tumanggap siya ng mga regalo ay siya pa itong nagregalo.
Kunsabagay, gasino lang ke Dra. Belo ang mga ipinamudmod niya?