TACLOBAN CITY — Inaresto ang isang guro ng pampublikong high school sa isang buy-bust operation sa Barangay Padoga, Calubian, Leyte noong Lunes, ayon sa pulisya.
Kinilala ang suspek na si Arcy, 39, guro sa Felix Caneja National High School at residente ng Barangay Gotusan.
Nakumpiska sa operasyon ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, kabilang ang isang heat-sealed plastic sachet, tatlong maliliit na sachet na nasa coin purse, at dalawang medium sachet na nasa pulang sobre. Narekober din ang isang sachet ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at ang ₱500 buy-bust money.
Inaalam pa ng Regional Forensic Unit-8 ang kabuuang timbang ng mga nakuhang kontrabando.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico