Home NATIONWIDE Higit 3,300 Pinoys, narepatriate; 18,000 naayudahan sa gitna ng MidEast crisis

Higit 3,300 Pinoys, narepatriate; 18,000 naayudahan sa gitna ng MidEast crisis

97
0

MANILA, Philippines — Mahigit 3,300 Pilipino na ang na-repatriate mula sa Middle East habang lampas 18,000 pa ang nabigyan ng tulong sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

“Mula March 5 hanggang March 29, nasa 2,551 na OFW (overseas Filipino workers) na at 835 ng kanilang dependent ang nakauwi na sa bansa,” ani Marcos sa kanyang national address.

Sinabi ng Pangulo na may nakahandang reintegration programs upang tulungan ang mga umuwing Pilipino na muling makapagsimula.

Hanggang Marso 27, umabot na sa 18,394 Pilipino sa Middle East ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, pansamantalang tirahan, serbisyong medikal, transportasyon, pinansyal na suporta, at repatriation services.

“Habang may Pilipinong nangangailangan ng tulong, patuloy kaming magsusumikap na ipaabot ito,” ani Marcos.

Nanawagan din siya sa publiko na isama sa panalangin ang kapayapaan ngayong Semana Santa.

“Ngayong Semana Santa… nawa’y isama po natin sa ating dasal ang kapayapaan at kaginhawaan ng lahat,” dagdag niya. Dave Baluyot 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here