Home NATIONWIDE P2 bilyong droga nasabat ng BOC sa Q1 ng 2026

P2 bilyong droga nasabat ng BOC sa Q1 ng 2026

137
0

MANILA, Philippines — Halos ₱2 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa buong bansa sa unang tatlong buwan ng 2026, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Mula Enero 1 hanggang Marso 29, umabot sa humigit-kumulang ₱1.865 bilyon ang nakumpiskang ilegal na droga na isinailalim sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasabay ng pinaigting na border protection at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang inspeksyon at turnover ng mahigit ₱38 milyong halaga ng nasamsam na droga sa mga bodega sa BOC–Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon kay District Collector Yasmin Obillos-Mapa, umabot sa tinatayang ₱955.888 milyon ang halaga ng anti-drug operations mula Enero hanggang Marso 2026.

Noong Marso, natukoy sa pamamagitan ng X-ray screening ang kahina-hinalang laman ng ilang inbound parcels na nagresulta sa pagkakasamsam ng 5,691 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may halagang ₱38,698,800. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here