Home NATIONWIDE Road closure, rerouting sa Abril 2 ‘gang 3, inilabas ng MPD sa...

Road closure, rerouting sa Abril 2 ‘gang 3, inilabas ng MPD sa prusisyon ng Nazareno

163
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Manila Police District (MPD) ang traffic plan para sa prusisyon ng Jesus Nazareno sa Biyernes Santo 2026.

Ayon sa MPD, ang magiging ruta ng prusisyon sa Abril 2 at 3 o araw ng Huwebes at Biyernes ay ang mga sumusunod:

– Mula Plaza Miranda – Villalobos

– Kaliwa – Carlos Palanca Ilalim

– Kaliwa – Quezon Blvd.

– Kanan – Arlegui

– Kanan – Fraternal

– Kanan – Vergara

– Kaliwa – Duque De Alba

– Kaliwa – Farnecio

– Kanan – Arlegui

– Kaliwa – Legarda

– Kaliwa – Concepcion Aguila

– Kanan – Carcer

– Kanan – Hidalgo

– Kaliwa – Bilibid Viejo/G. Puyat

– Kaliwa – Guzman

– Kanan – Hidalgo

– Kaliwa – Quezon Blvd.

– Kanan – Carlos Palanca Ilalim

– Kanan – Villalobos

– Plaza Miranda / Quiapo Church

Tatahakin ng ruta ng prusisyon ang layong 3.8 kilometro ayon sa MPD.

Samantala, upang hindi maabala sa mabigat na daloy ng trapiko ang publiko lalo na ang mga motorista ay inabisuhan na nang maaga sa mga isasaradong kalsada at mga alternatibong ruta.

Ayon sa MPD, magsisimula ang pagsasara ng mga sumusunod na mga kalsada sa Abril 2 ng alas-7 ng gabi:

– Northbound at Southbound lane ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Quezon Bridge – Mehan Garden kasama ang CM Recto Service Road

– Westbound lane ng España Blvd mula P. Campa hanggang Lerma St.

– Bahagi ng S.H. Loyola mula C.M. Recto hanggang Bilibid Viejo

– Bahagi ng San Sebastian St. mula C.M. Recto hanggang Bilibid Viejo/San Rafael St.

– Westbound lane ng Legarda diretso sa P. Casal mula C.M. Recto hanggang C. Palanca

– Bahagi ng San Rafael/Bilibid Viejo/Gonzalo Puyat mula Legarda hanggang Quezon Blvd. (NB)

– Bahagi ng Arlegui mula Legarda hanggang Quezon Blvd. (NB)

– Bahagi ng C. Palanca St. mula P. Casal hanggang Plaza Lacson

– Bahagi ng Paterno St. mula Evangelista hanggang Quezon Blvd. (SB)

– Bahagi ng Gonzalo Puyat St. mula Evangelista hanggang Quezon Blvd. (SB)

– Bahagi ng Evangelista mula Paterno hanggang Villalobos

– Bahagi ng Carriedo mula Plaza Lacson hanggang Evangelista

Pinayuhan naman ang mga motorista na maaaring dumaan o gumamit ng alternatibong ruta.

– Mga sasakyang gagamit ng Quezon Blvd mula A. Mendoza ay dapat kumanan sa Fugoso St., pagkatapos kaliwa sa Tomas Mapua St. patungo sa destinasyon.

– Mga sasakyang mula Quezon City na gagamit ng westbound lane ng España Blvd ay dapat kumanan sa P. Campa St., diretso sa Fugoso St. o kaliwa sa Nicanor Reyes St. (Morayta) pagkatapos kanan o kaliwa sa C.M. Recto Ave. patungo sa destinasyon.

– Mga sasakyang mula P. Burgos Ave. na gagamit ng Quezon Bridge ay dapat dumaan sa Jones Bridge o McArthur Bridge patungo sa destinasyon.

– Mga sasakyang mula Ayala Bridge na gagamit ng C. Palanca St. ay dapat dumiretso sa P. Casal St./Legarda patungo sa destinasyon o kumanan sa San Marcelino St. patungo sa UN Ave.

– Mga sasakyang mula Sta. Mesa na gagamit ng westbound lane ng Legarda ay dapat kumanan sa C.M. Recto Ave. patungo sa destinasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here