Home NATIONWIDE P22.3M hinihinalang shabu nasamsam sa Quezon

P22.3M hinihinalang shabu nasamsam sa Quezon

109
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang nasa P22.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon Province, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Abril 4.

Ang pagkakadiskubre ng hinihinalang illegal na droga ay iniulat sa Patnanungan Municipal Police Station (MPS) ng isang mangingisda.

Itinurn-over ang hinihinalang illegal na droga sa Quezon Provincial Forensic Unit noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa PNP, nakatanggap ang Patnanungan MPS ng tawag na nadiskubre umano ang tatlong plastic bag na tumitimbang ng 3,280 gramo ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ng P22,304,000 ang hinihinalang shabu. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here