Home METRO P225K smuggled na sigarilyo sa Isabela, nasabat

P225K smuggled na sigarilyo sa Isabela, nasabat

114
0

ROXAS, Isabela – Nasabat ng kapulisan ang mahigit P255,000 halaga na halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang pagpapatrolyo ng kapulisan sa Roxas, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa anti-criminality campaign bilang pagtugon ni PMaj. Christian Arc Caoile, hepe ng Roxas Police Station ay nagresulta sa pagka-aresto ng suspek na kinilala na si alyas “Vince,” 31 anyos, may asawa, tricycle driver, at residente ng Purok 4, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Una rito, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Roxas Municipal Police Station, katuwang ang PIU-IPPO at RMU2 nang mapansin nila ang isang traysikel na nakahinto sa gilid ng kalsada.

Nang akmang tutulungan ng pulisya ang suspek dahil sa nasira ang kanyang traysikel ay napansin ng mga pulis ang karga nitong mga ream ng sigarilyo at iba’t-ibang tsinelas dahilan upang magsagawa sila ng inspeksyon.

Dahil dito, tumambad sa kapulisan ang mga iligal na produkto na walang kaukulang dokumento o papeles.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na kahon ng Red Commando Cigarettes, na may kabuuang 450 reams, limang kahon ng Bros Cigarettes na may 250 reams, at isang kahon ng Mighty Green Cigarettes, pati na rin ang isang unit ng Rusi 125 na motorsiklo na may sidecar, at iba’t ibang pares ng tsinelas.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 11467 na may kinalaman sa iligal na pagdadala at distribusyon ng mga produktong tabako na walang kaukulang buwis para sa pamahalaan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here