MANILA, Philippines – Binalaan ang mga residente na mag-ingat sa mapanganib na heat index sa Calapan City, Oriental Mindoro ngayong Lunes, Abril 6.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), naranasan kasi ang heat index na 44 degrees Celcius.
Sa 11 a.m. na abiso, sinabi ng CDRRMC na naitala sa Calapan City Public Market ang init na umabot sa “danger” category.
Dahil dito ay posible ang heat-related illnesses katulad ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke.
Pinayuhan naman ang publiko na patuloy na uminom ng tubig, magsuot ng light-colored at loose clothing at iwasan ang mga aktibidad sa labas ng bahay sa kasagsagan ng mainit na panahon. RNT/JGC