MANILA, Philippines – Naniniwala si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na mahihirapan nang makabangon ang Pilipinas dahil sa laki ng pagkakautang ng bansa.
Sa ambush interview matapos dumalo sa Meet the Manila Press Weekly Forum nitong Biyernes sinabi ni Singson na wala nang pag-asa ang ating bansa dahil ang utang ngayon ay P19 trilyong na.
Aniya ang binabayaran ngayon ng ating bansa taon-taon ay P2 trilyon.
“Kaya yung mga hindi pa ipinanganak, may utang na — mahirapan na tayong makabangon,” ani Singson.
Ang pahayag ni Singson ay matapos tanungin ang kanyang reaksyon sakaling hindi na siya ipatawag pa ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno na nakatakda sana siyang magsumite ng kanyang affidavit ngunit hindi ito natuloy.
Ayon kay Singson, handa pa rin siya na bumalik sa Senado kapag siya ay inimbitahan o Ipinatawag. Jocelyn Tabangcura-Domenden