Home METRO 35 bagong pisang green sea turtles, pinalaya sa Catanduanes

35 bagong pisang green sea turtles, pinalaya sa Catanduanes

111
0

CATANDUANES, Philippines – Aabot sa 35 na bagong pisa na green sea turtle hatchlings ang pinalaya sa baybayin ng Barangay Talisoy, Virac, Catanduanes, bilang bahagi ng marine conservation efforts.

Ayon sa ulat, isinagawa ang pagpapalaya ng mga pawang pawikan noong Abril 8, 2026 sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang populasyon ng mga sea turtle at matiyak ang kanilang ligtas na pagbalik sa dagat.

Ang green sea turtle (Chelonia mydas) ay kabilang sa mga marine species na protektado dahil sa banta ng pagkawala ng kanilang tirahan at iba pang panganib sa kalikasan.

Patuloy ang mga ahensya ng gobyerno sa mga programang pangkonserbasyon upang maprotektahan ang mga pawikan at iba pang yamang-dagat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here