MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza, Navotas City nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 7:56 p.m. Dahil nasa isla ang lugar, gumamit pa ng fireboats ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.
Iniulat din na hindi na operational ang nasabing sanitary landfill mula pa noong Agosto 2025 at dati itong ginagamit bilang tapunan ng basura ng Metro Manila.
Patuloy ang operasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang sanhi nito. RNT/MND