Home LIFESTYLE HEALTH DOH nagpaalala sa pag-iwas sa sakit dulot ng matinding init

DOH nagpaalala sa pag-iwas sa sakit dulot ng matinding init

164
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng ilang paalala ang Department of Health (DOH) upang maiwasan ang mga sakit dulot ng init habang patuloy na tumataas ang temperatura.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa sa Kapihan sa Manila Hotel na maaring umabot sa higit 40 degrees tulad ng prediksyon ng PAGASA.

Ayon sa kalihim mahalaga na panatilihing malamig ang katawan dahil sa posibleng heto wave na papasok dahil sa El Nino.

Ang mga pinaka-vulnerable sa sakit dulot ng init ay ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng araw tulad ng mga vendor, street sweeper, construction worker, at traffic constable. Pati ang mga matatanda at bata ay madaling maapektuhan.

Ang mga nakakaranas ng sakit dulot ng init ay pinapayuhang uminom ng tubig o maligo upang mapalamig ang katawan. Iminumungkahi rin ang pagsusuot ng sombrero o sumbrero kapag nasa ilalim ng araw, at magsuot ng damit na may light-colored na kulay dahil ang madilim na kulay ay sumisipsip ng init.

“Kapag napalamig mo ang katawan, hindi mo na kailangang pumunta sa ospital. Pero kung hindi mo ito gagawin at ipagpatuloy ang trabaho nang hindi nagpapahinga o umiinom ng tubig, magko-collapse ka. Yun ang tinatawag na heat stroke—yung hinimatay dahil sa sobrang init o walang kinain,” paliwanag ni Herbosa.

Nagbabala rin si Herbosa na mas madaling masira ang pagkain kapag mainit ang panahon.

“Kapag mainit ang panahon, mabilis dumami ang bacteria… May mga pagkain na mas madaling mapanis. Kapag naamoy niyo na parang panis, huwag niyo nang kainin. Huwag niyo na rin i-reheat. Itapon niyo na yun dahil hindi na ligtas ang pagkain na yun,” aniya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here