MANILA, Philippines – Itinakda nang mas maaga sa susunod na buwan ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa District Representatives para sa Sept. 14 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (BPE).
Base sa calendar of activities para sa kauna-unahang BPE, ang filing ng COC ay nakatakda mula May 5 hanggang May 9.
Bukod sa COC, itinakda rin ng poll body, sa parehong mga petsa, ang paghahain ng listahan ng mga nominado kasama ang kanilang Certificates of Acceptance and Nomination at affidavits of non-affinity for regional parliamentary political parties and coalitions.
Magsisimula ang panahon ng halalan sa Hulyo 16 at tatakbo hanggang Setyembre 29.
Sa nasabing panahon, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga baril. Pinagbabawalan din ang mga kandidato ang paggamit ng mga security personnel o bodyguard maliban kung pinahintulutan ng Komisyon.
Ipinagbabawal din sa panahon ng halalan ang pagbabago ng teritoryo ng isang presinto o ang pagtatayo ng mga bagong presinto; paglipat o detalye ng mga opisyal at empleyado ng serbisyo sibil; organisasyon o pagpapanatili ng mga puwersa ng reaksyon, pwersa ng welga, o katulad na pwersa; pagsuspinde ng mga elective, provincial, city, municipal, o barangay officers nang walang paunang pag-apruba ng Comelec; at ang iligal na pagpapalaya ng mga bilanggo.
Pinapayagan ang mga kandidato na isulong ang kanilang mga kandidatura sa panahon ng kampanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden