Home METRO 3 sugatan sa banggaan ng passenger vessel, motorboat sa Zamboanga

3 sugatan sa banggaan ng passenger vessel, motorboat sa Zamboanga

113
0

ZAMBOANGA, Philippines – Tatlong pasahero ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang sasakyang pandagat sa karagatan ng Zamboanga City.

Sa kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) alas 6 ng hapon nitong April 10, 2026 nang mangyari ang insidente na kinasasangkutan ng passenger vessel na MV SUG Adventure at Isang motorbanca.

Ayon sa PCG, dahil sa aberya sa carburetor kaya nawalan ng kontrol ang motorbanca na nagresulta sa  biglaang pagbilis ng motorbanca.

Tumaob ang bangka at nahulog sa tubig ang mga sakay nito na agad ding nailigtaa at dinala sa Port of  Zamboanga para sa agarang gamutan sa tulong ng Coast Guard at Philippine Red Cross.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here