Home TOP STORIES Kamala Harris, bukas sa muling pagtakbo sa 2028 US presidential election

Kamala Harris, bukas sa muling pagtakbo sa 2028 US presidential election

127
0

WASHINTON, USA – Sinabi ni dating US Vice President Kamala Harris noong Biyernes na pinag-iisipan niya ang muling pagtakbo bilang pangulo ng Estados Unidos sa 2028.

Sa isang event ng National Action Network sa New York, diretsahang tinanong si Harris ni Reverend Al Sharpton kung tatakbo siya muli.

“I might, I might. I’m thinking about it, I’m thinking about it,” sagot ni Harris, na sinalubong ng palakpakan ng mga dumalo.

Dagdag niya, isasaalang-alang niya ang pagtakbo depende sa kung sino ang pinakamahusay na makapaglilingkod sa mga Amerikano sa 2028.

Si Harris ay naging vice president sa ilalim ni President Joe Biden at natalo sa 2024 presidential race kay Donald Trump, na nanalo sa popular vote at Electoral College.

Bago maging VP, nagsilbi rin siya bilang US senator at attorney general ng California, at tumakbo rin sa Democratic presidential nomination noong 2020.

Ayon sa ulat, maaaring maging hamon para kay Harris ang muling pagtakbo dahil sa mga botante na nais ng bagong liderato sa Democratic Party matapos ang kanyang pagkatalo.

Kabilang sa dumalo sa nasabing event ang ilang posibleng kandidato rin sa 2028 tulad nina Pennsylvania Governor Josh Shapiro, former Transportation Secretary Pete Buttigieg, at Illinois Governor JB Pritzker. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here