Home HOME BANNER STORY Joint patrol sa Sulu, Celebes Sea palalakasin ng PH, Indonesia

Joint patrol sa Sulu, Celebes Sea palalakasin ng PH, Indonesia

132
0

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na palakasin ang kanilang joint patrol sa Sulu Sea at Celebes Sea, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. noong Biyernes.

Ayon kay Brawner, napag-usapan ito sa 5th Philippine-Indonesia Military Cooperation Meeting na ginanap sa Jakarta noong Miyerkules.

“In that meeting, we discussed a lot of topics, and we agreed on enhanced joint operations, particularly our coordinated patrols in the Sulu Sea and Celebes Sea,” ani Brawner.

Bukod sa joint patrol, napagkasunduan din ng dalawang bansa ang mas pinalakas na palitan ng intelligence at bilateral training, pati na rin ang pag-aaral ng posibleng koordinasyon sa logistics para sa military use.

Ayon sa AFP chief, mahalaga ang Sulu at Celebes Sea bilang ruta ng komersyal at military ships at bahagi rin ito ng “coral triangle” na tahanan ng malaking porsyento ng coral reefs sa mundo.

Giit niya, layunin ng kooperasyon na mas maging handa at magkakaugnay ang mga bansa sa ASEAN sa pagtugon sa mga hamon sa maritime security.

Binigyang-diin din niya na ang mga hamon sa dagat ay hindi lamang lokal kundi konektado sa mas malawak na isyu tulad ng geopolitics, teknolohiya, at climate change.

Dagdag pa niya, bilang ASEAN chair sa 2026, mahalaga ang mas pinatibay na regional cooperation sa seguridad ng karagatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here