Home TOP STORIES China di payag sa Taiwan independence; reunification, muling itinulak

China di payag sa Taiwan independence; reunification, muling itinulak

117
0

BEIJING, China – Mariing sinabi ni Chinese President Xi Jinping na “absolutely not tolerate” ng China ang anumang hakbang para sa Taiwan independence, at muling iginiit ang layunin ng “reunification” ng China at Taiwan.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Cheng Li-wun, chairwoman ng Kuomintang (KMT) ng Taiwan, sinabi ni Xi na ang mga tao sa magkabilang panig ng Taiwan Strait ay “one family” na nagnanais ng kapayapaan, pag-unlad, at kooperasyon.

Ayon kay Xi, “Taiwan independence is the chief culprit in undermining peace in the Taiwan Strait – we will absolutely not tolerate or condone it.”

Dagdag pa niya, dapat magtulungan ang KMT at Communist Party upang makamit ang “reunification” at “national rejuvenation” ng China.

Si Cheng ay nasa China para sa isang “peace mission” upang mabawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig. Sinabi niya na umaasa siyang mapalakas ang mutual exchanges at maiwasan ang Taiwan Strait na maging “chessboard for outside forces.”

Sa panig naman ng Taiwan government, iginiit nito na ang kinabukasan ng Taiwan ay dapat desisyon ng mga mamamayan nito at tinututulan ang anumang presyon mula sa China.

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng Beijing at Taipei, kung saan itinuturing ng China ang Taiwan bilang bahagi ng teritoryo nito, habang nananatiling self-governing ang Taiwan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here