Manila, Philippines – Ang tagal nang nananahimik si Alex Gonzaga sa social media until she resurfaced nang may nakakaintrigang post.
Duda ng mga netizens, sa wakas daw ay tila nasa kagampan na ang TV host-vlogger.
If ever, panganay nila ito ng mister na si Mikee Morada.
Makikita sa Instagram ang ilang photos kung saan nakatalikod at nakadungaw sa bintana si Alex.
Nakasuot siya ng loose dress with matching jacket.
May photo din ng mga puting bulaklak–tiyak may kaugnayan ‘yon sa kanyang present condition.
Bale ba, very telling ang caption ni Alex: “Thank you Jesus for this little life that we have together. Thank you for your grace, trials, favors and blessings. You have risen!!!”
Pero mas give-away ang isang na-screen shot na caption: “Thank you Jesus for this little life we have!”
Posible daw na motherhood journey na ang tinatahak ni Alex.
Bagama’t maraming netizens ang natuwa if ever Alex is now carrying a child, she and Mikee have yet to confirm kung totoo nga ang hinala ng mga ito.
Matatandaang dumanas ng miscarriage si Alex the past years, but it didn’t dampen her spirit. Ronnie Carrasco III