MANILA, Philippines – Iiral ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong Linggo, Abril 12.
Sa bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakakaapekto ang ridge ng high-pressure area hanggang Northern Luzon.
Samantala, patuloy na minomonitor ng PAGASA ang Bagyong Sinlaku na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan 2,745 kilometro silangan ng northeastern Mindanao, taglay ang lakas ng hangin na 150 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 185 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong northward nang mabagal. RNT/JGC