Home HOME BANNER STORY Navotas landfill mahigit 20 oras nang nasusunog

Navotas landfill mahigit 20 oras nang nasusunog

171
0

MANILA, Philippines – Mahigit 20 oras nang nasusunog ang Navotas Sanitary Landfill matapos sumiklab ang apoy Biyernes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi agad malapitan ng mga bumbero gamit ng bangka ang lugar ng sunog dahil sa low tide.

Kinailangan kasing gumamit ng fireboats ng mga bumbero dahil ang landfill ay matatagpuan sa isang isla.

Sumama na rin ang Philippine Air Force sa pag-apula sa sunog na nagpadala ng mga helicopter para magsagawa ng aerial water drops.

Siniguro naman ng BFP sa publiko na ang sunog ay malayo sa residential areas.

Ang Navotas Sanitary Landfill ay non-operational mula noong Agosto 2025 at huling ginamit bilang dumping site para sa mga basura sa Metro Manila.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here