Home ENTERTAINMENT Manyak na TNVS driver na nasakyan ni Xyriel, pinutakti ng bashers!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Manyak na TNVS driver na nasakyan ni Xyriel, pinutakti ng bashers!April 11, 2026 17:421360 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi nakaligtas si Xyriel Manabat sa pangmamanyak ng nasakyan niyang online public transportation servive (OPTS).Pinagpistahan tuloy ng driver at mga kaibigan nito ang aktres makaraang i-post nito ang photo na kasama siya.The picture was taken habang lulan si Xyriel ng service.Caption ng driver sa photo nila ni Xyriel: “Nagulat ako nagpapa-picture sa akin.”Ang siste, the actress wanted to have their photo taken bago siya bumaba ng sasakyan.Nagpaunlak naman daw ang driver, basta huwag ibenta ni Xyriel ang litrato niya.“Ang laki ng bata na ‘yan,” ayon sa driver.Mababasa ang palitan ng mga mensahe between the driver and his friends sa comment section.Comment ng isang friend ng driver: “Otw.”Sagot ng driver: “Ja*ol.”Nag-reply din ang isang babae: “Malibo* hahaha!”May nag-comment ding: “Paldo ka jan kosa. Idaan mo sa lubak, hahaha!”Sa madaling salita, ginawang katatawanan ng driver at mga kaibigan nito si Xyriel, to the point na hinaluan nila ng kabastusan.May mga nagtanggol naman sa aktres, at nagpayong papanagutin ang nasakyang service driver.Malinaw na paglabag daw ‘yon sa RA No. 11313 Safe Spaces Act or Bawal Bastos Law.Ani Xyriel, pinag-iisipan na niya what action to take against the driver.Noon pa man daw ay vocal na ang aktres sa pagpoprotekta sa karapatan ng mga kapwa niya kababaihan.Ito’y lalo na sa usaping sexual assault o sexualizing women.Hindi daw dapat gawing libangan o entertainment ang kinapaloobang insidente.Ani Xyriel: “Hindi ito maliit na bagay…hindi ko ito palalampasin!”Tuluyan na ‘yan! Ronnie Carrasco III