Home ENTERTAINMENT Kathryn at Mayor Mark, bukelya sa singsing at bracelet!

Kathryn at Mayor Mark, bukelya sa singsing at bracelet!

143
0

Manila, Philippines – Lalo pang nangalkal ng pruweba ang mga netizens para mapatunayang meron na ngang relasyon sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.

Kumbaga, hindi pa kuntento ang mga ito sa recent Thailand trip ng rumored couple.

Anila, there’s got to be more.

At sa pananaliksik ng mga faney, naka-focus sila sa mga photos kung saan naroon nga ang resibo.

Isa na rito ang suot na bracelet ni Mark na kapareho ng suot ni Kathryn.

Apart from this, nakunan din ng screenshot ang zinoom in na daliri ni Mark while enjoying Thai noodle soup.

Cartier bond ring ‘yon na suot ni Mark sa ilang shots.

Bilang pruweba, hindi na raw maaaring mag-deny pa sina Kathryn at Mark–as in wala na silang lusot! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here