Manila, Philippines – Pinangunahan ni Tuesday Vargas ang pagbibigay-pugay kay Michelle O’Bombshell.
Pumanaw ang impersonator at standup comedian— Roderic Cuntapay— nitong April 6.
Si Michelle ay sumikat kay dating US First Lady na si Michelle Obama.
Post ni Tuesday sa kanyang Facebook account: “Para sa iba, ikaw si Michelle. Pero para sa akin, ikaw ang nag-iisang Ador ng buhay ko…You will be missed, Ador.”
Kapwa mag-aaral ng UP Diliman sina Tuesday at Michelle at mga miyembro ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Komunikasyon (SAMASKOM).
Si Michelle daw ang mentor ni Tuesday during their college days–na unang nagtiwala sa kanyang kakayahan.
”’Nak” naman ang nakasanayang itawag ni John Lapus kay Michelle.
Nagbigay-pugay din ang TV director at may-ari ng The Library na si Andrew de Real.
Sobra rin ang paghanga ni Atak Araña kay Michelle, na ka-chat pa daw niya noong isang araw.
Thankful din si Pepita Curtis dahil naging writer niya si Michelle sa kanyang birthday concert.
Dinagsa pa ng pakikidalamhati ang pagpanaw ng Klownz Republic performer mula sa mga kapwa standup comedian.
Madalas ding mapanood noon sa GMA si Michelle. Ronnie Carrasco III