MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang malaking bulto ng war materials sa liblib na barangay sa Marogong, Lanao del Sur.
Ayon kay Brig. Gen. Yasser Bara, commander ng Army 101st Infantry Brigade, nadiskubre ng mga sundalo sa ilalim ng 64th Infantry Battalion ang war materials noong Sabado sa Barangay Pabrica, na dating inokupa ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) kasunod ng 2017 Marawi City siege.
“During the operation, the government troops discovered equipment believed to be used in the fabrication of firearms, along with several war materials,” saad sa pahayag ni Bara.
Kabilang sa mga narekober ay ang 50 tube barrels para sa .50-caliber sniper rifle, isang propellant cartridge para sa .50-caliber rifle, limang Barrett sniper rifle suppressors, ammunition, 600 mm mortar tube, at hand grenade.
Ani Bara, wala nang remnant ng DI-MG sa lugar o sa bisinidad sa oras ng pagkakadiskubre ng war materials ngunit kasalukuyan pang sinisiguro ng mga sundalo ang lugar para sa kaligtasan at makadiskubre pa ng mas maraming nakatagong gamit. RNT/JGC