Home IN PHOTOS BIR nagsampa ng kaso vs taxpayers na ‘di nagbabayad ng buwis

BIR nagsampa ng kaso vs taxpayers na ‘di nagbabayad ng buwis

110
0
Revenue Region 5 CAMANAVA and Bulacan, Caloocan City, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Emmanuel S. Ferrer, Jr. at Officer-in-Charge Assistant Regional Director Mary Ann V. Canare, sa tulong ng Legal Division na pinamumunuan ni Chief- Lorna S.B. Cruz at Assistant Chief-Lei Adrian V. Gapoy, kasama ng mga abogado at Revenue Officers ng iba't-ibang tanggapan ng Revenue District Offices sa ilalim ng RR5, ay nagsampa ng labindalawang (12) kasong criminal laban sa ibat-ibang taxpayers.Tatlo (3) sa mga ito ay sakop ng RATE Program dahil sa paglabag sa Seksyon 254, 258 at 264, habang Siyam (9) na kasong kriminal naman ang isinampa dahil sa paglabag sa Seksyon 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 (NIRC).Ang mga kasong ito ay ibinatay sa hindi pagbabayad ng buwis sa kanilang mga obligasyong dapat nang bayaran sa loob ng takdang panahon ayon sa batas.Ang mga kasong ito ay may kabuuang halaga na aabot sa ₱52,798,370.58, na kumakatawan sa mga hindi pa nababayarang buwis na malaking epekto sa pangongolekta ng kita ng pamahalaan. VAL LEONARDO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here