Home NATIONWIDE Higit 17,000 sundalo, lalahok sa Balikatan 2026

Higit 17,000 sundalo, lalahok sa Balikatan 2026

114
0

MANILA, Philippines – Aabot sa mahigit 17,000 sundalo mula sa pitong bansa ang lalahok sa “Balikatan” exercises na gaganapin mula Abril 20 hanggang Mayo 8.

Ayon kay Philippine spokesperson Marine Col. Dennis Fernandez, ang mga kalahok ay mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, Japan, Canada, France, at New Zealand. Isasagawa ang mga pagsasanay sa lupa, dagat, himpapawid, at cyberspace.

Sa kauna-unahang pagkakataon, aktibong lalahok ang Japan sa ground operations at gagamit ng Type 88 ground-to-surface missile sa live-fire exercise kung saan tatamaan ang isang target na barko.

Inaasahan ding dadalo si Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi sa maritime strike phase ng drills.

Samantala, sinabi ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Cerilo Balaoro Jr. na bukod sa pagpapalakas ng kakayahan ng militar, layon din ng Balikatan ang pagtulong sa komunidad.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang pagpapatayo ng dalawang silid-aralan sa Villa Reyes Elementary School sa Quezon, medical at dental mission para sa humigit-kumulang 300 residente, at pagsasanay sa emergency response at first aid para sa mga lokal na responder.

Nagbigay rin ang mga sundalo ng limang laptop, isang 55-inch TV, at public address system sa paaralan upang makatulong sa edukasyon at komunikasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here