Home NATIONWIDE Nakalalasong usok mula Navotas landfill, umabot na sa Bulacan; 111 pamilya inilikas

Nakalalasong usok mula Navotas landfill, umabot na sa Bulacan; 111 pamilya inilikas

114
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa mga barangay sa Obando, Bulacan ang nakalalasong usok mula sa patuloy na nasusunog na landfill sa Navotas, dahilan upang ilikas ang mga residente habang dumarami ang mga nagrereklamo ng mga sintomas sa kalusugan.

Batay sa pinakahuling advisory at ulat, nasa 335 indibidwal mula sa 111 pamilya ang nailikas.

Kabilang sa apektado ang mga residente ng Barangay Salambao, kung saan sinabi ng mga awtoridad na umabot na sa kanilang mga bahay ang makapal na usok at ginagamit na ang mga evacuation center upang masilungan ang mga pamilya. Ilan sa mga residente ang nag-ulat ng pag-atake ng hika, pananakit ng dibdib, iritasyon sa ilong, at hapdi sa mata matapos malanghap ang usok.

Pinayuhan ng mga lokal na opisyal ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at sundin ang mga itinakdang safety protocol, habang ang mga hirap sa paghinga ay inatasang dumulog sa mga barangay health center. Nagkaloob na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga evacuee habang nagpapatuloy ang monitoring sa lugar.

Nag-ugat ang insidente sa sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na nauna nang iniulat na nagpapalala sa air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Sa mga naunang ulat, sinabing lumawak ang pagkalat ng usok dahil sa hangin, na nagbunsod ng evacuations sa Obando at mga babalang pangkalusugan sa mga apektadong komunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here