Home HOME BANNER STORY Jack Argota, kumasa sa DOJ probe; kalusugan ni PBBM, binanatan

Jack Argota, kumasa sa DOJ probe; kalusugan ni PBBM, binanatan

134
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang online personality na si Jack Argota na tuluyan nang maibasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa laban sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dumalo si Argota nitong Miyerkules ng umaga, Abril 15, sa ikalawang preliminary investigation kaugnay ng reklamong cyberlibel at unlawful publication na isinampa laban sa kanya matapos umano niyang i-post ang pekeng health bulletin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Argota, umaasa siyang matapos na ang pagdinig sa kanyang kaso dahil malaking abala na rin umano ito sa kanya.

Samantala, hindi kumbinsido si Argota na maayos na ang kalusugan ni Pangulong Marcos matapos itong mag-jumping jack noong Lunes sa Malacañang.

Aniya, kung malakas na nga ang Pangulo, dapat ay tutukan na nito ang mga suliranin ng bansa at kaawaan ang mamamayang labis nang naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here