MANILA, Philippines — Walang nanalo sa major lotto jackpot draws na isinagawa noong Miyerkules, Abril 15, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ng PCSO na walang tumama sa winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may jackpot na P51,762,661.04. Ang mga numerong nabunot ay 32-23-20-46-09-15.
Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 kung saan ang tamang kombinasyong 27-21-26-37-39-43 ay may katumbas na jackpot na P26,616,490.02. RNT