Home NATIONWIDE Unang araw ng transport strike, mapayapa; pero PNP nakaalerto pa rin

Unang araw ng transport strike, mapayapa; pero PNP nakaalerto pa rin

83
0
(c) Manibela FB Page

MANILA, Philippines — Naging mapayapa ang unang araw ng transport strike na ikinasa ng mga grupong Manibela at Piston nitong Martes, ngunit mananatiling nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) sa nalalabing dalawang araw ng kilos-protesta.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., walang naitalang anumang malaking insidente kaugnay ng transport strike sa buong bansa, batay sa mga ulat mula sa ground. Sinabi rin niyang nakaangkop ang mga commuter sa limitadong operasyon ng pampublikong transportasyon sa mga pangunahing ruta.

“We have not monitored any significant incident nationwide relating to the transport strike, and I commend our commanders and personnel on the ground for a job well done. But we will continue to be alert until the end of this protest action,” ani Nartatez.

Sinabi ni Nartatez na nanatili ang presensiya ng pulisya sa mga pangunahing transport corridor, terminal, at chokepoints sa buong bansa, habang in-activate rin ang police assistance desks (PADs) upang agarang tumugon sa mga alalahanin ng mga commuter at mapanatili ang kaayusan sa mga apektadong lugar.

“We have deployed our PADs in key areas. We have clear protocols and there should be visible police presence, quick response teams, and coordination with local government units. The goal is fast and accessible help to commuters,” ani Nartatez.

Ayon pa kay Nartatez, mananatili ang ipinatutupad na mga hakbang panseguridad habang nagpapatuloy ang strike, at nakaalerto ang mga yunit ng pulisya laban sa anumang posibleng aberya sa susunod na dalawang araw. Inatasan din aniya ang mga pulis na tiyakin ang seguridad ng mga jeepney driver na hindi kalahok sa strike at tumulong sa mga na-stranded na commuter.

Nanawagan din siya sa mga transport group na panatilihing maayos at mapayapa ang protesta, sabay sabing, “Let us keep the protest peaceful and lawful.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here