Home NATIONWIDE 3 FB pages na nagpalabas ng pekeng health claims vs PBBM, sinisilip...

3 FB pages na nagpalabas ng pekeng health claims vs PBBM, sinisilip ng DOJ

72
0

MANILA, Philippines – Sinusuri na ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong Facebook account na inendorso ng Presidential Communications Office (PCO) para sa posibleng pagsasampa ng kaso kaugnay ng mga gawa-gawang health claims laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida noong Miyerkules na nasa proseso na ng evaluation ang mga kaso at inaasahang makapagpapasya ang kanyang tanggapan sa loob ng 10 araw.

“Nasa proseso po ng evaluation. We have 10 days to do that (evaluation). It will not take more than that,” aniya sa isang chance interview sa mga reporter noong Miyerkules.

Ayon kay Vida, pinag-aaralan din ng mga awtoridad ang iba’t ibang post na umano’y layuning lituhin ang publiko sa pamamagitan ng pagsasamantala sa tendensiya ng ilang mamamayan na madaling maniwala sa mga negatibong balita.

“Meron iba ibang post na para malito ang sambayanan. Meron kami ine-explore na pag nagbalita ng negatibo kinakagat ng kababayan. Sinasadya para ginagamit kasi yung propensity ng ating kababayan na laging sundan ay yung negative (There are various posts meant to confuse the people. We are exploring that when negative news is reported, our countrymen follow it. It is deliberately used because of the propensity of our countrymen to always follow the negative news),” Vida said.

Sa pamamagitan ng Anti-Fake News Desk (AFND), inendorso ng PCO para sa kaukulang aksyon ang mga account na “Iloy Bugris: The Queen of Revelations,” “Rigondola Ping,” at “Crage Anderpal.”

Ayon sa PCO, ang “Iloy Bugris: The Queen of Revelations” ay nanghingi pa umano ng pinansyal na kontribusyon mula sa mga manonood at nagpakita ng isang sinasabing medical document na peke. Samantala, ang “Rigondola Ping” ay umano’y nagmanipula ng mga larawan ng Pangulo na tila nasa pisikal na paghihirap, habang ang “Crage Anderpal” naman ay inakusahan ng paggawa ng pekeng news graphic na maling nag-aangking may opisyal na kumpirmasyon ng malubhang kalagayan sa kalusugan ng Pangulo.

Sa pahayag ng PCO, “The deliberate fabrication and dissemination of false information–particularly during a declared state of national energy emergency under EO No. 110– is a crime under Article 154 of the Revised Penal Code (Unlawful use of means of publication and unlawful utterances) with penalties elevated when committed online under the Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Noong Martes, nag-jogging si Pangulong Marcos at nagsagawa rin ng ilang rounds ng jumping jacks sa loob ng Malacañang upang pabulaanan ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here