Home NATIONWIDE P70 cap sa presyo ng diesel mala-SoKor, isinusulong ng solon

P70 cap sa presyo ng diesel mala-SoKor, isinusulong ng solon

80
0

MANILA, Philippines  — Naghain si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar “Egay” Erice ng panukalang batas na magtatakda ng ₱70 kada litrong price cap sa diesel sa buong bansa, iginiit na makatutulong ito upang maiwasan ang mas malalim na dagok sa ekonomiya sa gitna ng nananatiling mataas na presyo ng langis.

Ayon kay Erice, ang kanyang panukalang Diesel Cap Act ay ibinatay sa fuel subsidy program ng South Korea. Sa ilalim ng panukala, lilimitahan sa ₱70 kada litro ang retail price ng diesel, habang sasagutin ng isang ₱400-bilyong subsidy program ang agwat sa pagitan ng capped price at umiiral na presyo sa pandaigdigang merkado.

“In South Korea, fuel prices were capped at around ₱74 per liter, with government subsidies cushioning the impact of the Middle East crisis. As a result, daily life remained stable, commodity prices did not surge, inflation was controlled, and the economy continued to grow,” ani Erice.

Dagdag pa niya, nagpatupad din umano ang Taiwan ng kahalintulad na hakbang sa pamamagitan ng pagsubsidize ng hanggang 75 porsiyento ng pagtaas sa presyo ng langis, na aniya’y nakatulong upang mapanatiling mas mababa ang inflation kumpara sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Erice na mabigat na tinatamaan ng patuloy na pagtaas ng diesel ang mga nasa pampublikong transportasyon, logistics at supply chain, mga magsasaka at mangingisda, at mga industrial producer. Babala niya, maaari itong humantong sa paghina ng produksyon, pag-urong ng ekonomiya, at pagtaas ng kawalan ng trabaho kung hindi agad matutugunan.

Sa kabila ng ₱21 kada litrong rollback noong Martes, sinabi ni Erice na nananatili pa ring lampas ₱100 kada litro ang diesel, o halos doble ng presyo nito noong nakaraang Pebrero. Itinuro rin niya na umabot na sa 4.1 porsiyento ang inflation sa unang quarter at patuloy pa itong tumataas.

“In our country, inflation has already reached 4.1 percent in the first quarter and continues to rise. The effects are now being felt across the entire economy,” giit niya.

Kinuwestiyon din ni Erice ang patuloy na pag-asa ng pamahalaan sa cash aid, na aniya’y hindi sapat dahil maraming benepisyaryo ang hindi naaabot, may leakages, at mataas ang administrative costs.

“Direct cash aid is insufficient. Many beneficiaries are left out, leakages are significant, and administrative costs are high. The distribution is also not equitable. In contrast, a price cap is direct, simple, and minimizes wastage,” aniya pa.

Ayon pa sa mambabatas, umaabot sa humigit-kumulang 33 milyong litro ng diesel ang kinokonsumo ng bansa kada araw, dahilan upang maging mahalagang sangkap ito sa galaw ng ekonomiya at pang-araw-araw na buhay. Upang pondohan ang iminungkahing subsidy, sinabi niyang maaaring mag-realign ang pamahalaan ng pondo mula sa mga hindi prayoridad na proyekto at gastusin sa operasyon, paghusayin ang fiscal efficiency, o umutang sa ibang bansa sa panahon ng emergency kung kinakailangan.

“The government must find a way to raise ₱400 billion. This is the cost of sustaining a functioning and stable economy for the next six months,” ayon pa kay Erice. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here